Home » Entertainment » Film directors chide indie actress for nasty FB post

Film directors chide indie actress for nasty FB post

mercedes-cabral-3-copy-copy

HINDI naging maganda ang feedback ng ginawang post ng indie actress na si Mercedes Cabral sa kanyang Facebook tungkol sa Regal Entertainment producer and matriarch Mother Lily Monteverde.

Tinawag kasing “fucking idiot” ni Mercedes si Mother Lily sa kanyang FB post na ngayon ay na-delete na.

Kabilang sa mga hindi natuwa sa ginawa ng indie actress at nagtanggol kay Mother Lily ay ang mga directors na sina Jose Javier Reyes at Manny Castañeda.

Kapwa gumagawa ng mga pelikula sina direk Joey at direk Manny sa ilalim ng Regal Films nang ilang taon na. Si Mother Lily ang unang nagbigay ng directorial break sa dalawa.

Nag-react si Mercedes sa mga sinabi ni Mother Lily regarding sa pagpasok ng mga indie films sa 2016 Metro Manila Film Festival. Hindi kasi nakapasok sa Magic 8 ang kanyang “Mano Po: Chinoy” entry. Nakapasok naman ang pelikula ni Mercedes na “Oro” sa Magic 8.

Heto ang post ni direk Manny kay Mercedes:

“To Mercedes Cabral, whoever you are and whatever claim to fame you have in the industry… just a word of warning… beware of hubris.”

Si direk Joey naman ay tila na-disappoint kay Mercedes dahil sa ginamit nitong mga salita. Hinahangaan pa naman daw niya ang aktres dahil sa husay nitong umarte.

“So very disappointed by the ignorance and callousness of this actress who I once respected.

“Regardless to the degree of truth of what she said, a look at the roster of Regal’s movies in the past included works of national artists Bernal and Brocka together with the works of Mike de Leon, Peque Gallaga and so many others were produced by Lily Monteverde.

“And by the way, Lav Diaz and Jeffrey Jeturian got their first directorial jobs for feature films with Regal’s pito-pito…And that is NOT an idiot in the history of Filipino films,” post pa ni direk Joey Reyes. (RUEL J. MENDOZA)

comments