Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Claudine galit na naman

Claudine galit na naman

1raymart-santiago-copy-copy

GALIT na naman si Claudine Barretto sa estranged husband niyang si Raymart Santiago. Sangkot ang anak nilang si Santino na ayon kay Claudine ay sinaktan ng isang kamag-anak ni Raymart. Sana raw ay ipinaglaban ni Raymart ang kanilang anak.

Sa interbyu ng PEP kay Raymart, aniya, nagulat siya sa pagwawala ni Claudine sa social media. Pinapalaki raw nito ang isyu na away-bata lang kung tutuusin. Pareho silang wala ni Claudine noong nangyari ang insidente sa birthday party ng kapatid niyang si Randy Santiago.

Nasa Cebu siya, ayon kay Raymart. Sina Santino at Sabina (their adopted daughter) ang pinapunta ni Claudine. Naunang umuwi si Sabina dahil sumakit ang tiyan nito. Nagpaiwan si Santino at nakipaglaro pa sa mga pinsan nito.

Naglalaro raw ng bolang papel ang mga ito at nagbabatuhan hanggang tinamaan sa ulo si Santino. Ayon sa mga kamag-anak ni Raymart, kumuha ng kutsilyo si Santino. Pinagsabihan itong huwag mambabato ng kutsilyo. Inawat lang daw si Santino.

Anak ng isang kapatid ni Raymart ang tinukoy ni Claudine na nanakit kay Santino. Nagbanta ang aktres na magdedemanda siya.

Ani Raymart, hindi na sana pinarating ni Claudine sa social media ang insidente. Pinag-usapan nalang daw sana ’yun sa loob ng kanilang pamilya.

First time

Pamangkin ni Claudine Barretto ang boyfriend ni Ryza Cenon, si Pocholo Barretto na nag-aartista rin. Nagkasama sila sa isang indie film at doon sila nagka-in love-an.

Two months pa lang ang kanilang relasyon at hindi pa masabi ni Ryza kung he’s the one na talaga. For now, enjoy-enjoy lang sila ni Pocholo sa kanilang relasyon.

Aniya, kahit in love siya, nagtitira pa rin siya ng pagmamahal para sasarili niya. “Hindi dapat todo lahat,” ani Ryza.

Kasama si Ryza sa “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” na showing ngayon sa mga sinehan nationwide. First time niyang nakatrabaho si Vic Sotto at aniya, parang fiesta sa set. “Ang daming food. Maasikaso siya sa co-workers niya.

Sana, magkatrabaho kaming muli,” ani Ryza.

Naguguluhan

Torn between Gabbi Garcia and Kylie Padilla si Ruru Madrid. Bilang Ybarro/Ybrahim sa “Encantadia,” naguguluhan siya kung sino ang pipiliin niya kina Alena (Gabbi) at Amihan (Kylie).

May anak siya pareho sa magkapatid na sang’gre. Si Lira (Mikee Quintos) kay Amihan at si Kahlil (Avery Paraiso) kay Alena. In real life, two weeks lang ang tanda ni Ruru kay Mikee na 18 years old. A few years older naman si Avery kay Ruru.

comments