Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sunshine meets BF Macky’s children

Sunshine meets BF Macky’s children

richard-yap-copy-copy

NAIPAKILALA na rin ni Macky Mathay kay Sunshine Cruz ang tatlong anak niya sa kanyang estranged wife na si Camille Fariñas, anak ni Congressman Rudy Fariñas ng IlocosNorte.

A few weeks ago’y naipakilala ni Sunshine kay Macky ang tatlong anak niya sa estranged husband niyang si Cesar Montano. Inimbita ni Macky for lunch ang mag-iina. Nag-post pa ang Tres Marias ni Sunshine na looking forward sila to seeing again their tito Macky.

Walang problema sina Sunshine at Macky sa kanilang respective children. Tanggap ng mga ito ang kanilang relasyon.

Lalong naging close ngayon sina Sunshine at Ara Mina na half-sibling ni Macky. Dati nang close friends ang dalawa, pero much closer sila ngayon. Happy si Ara for Sunshine dahil love na love siya ni Macky. Ito ang nag-effort para makilala si Sunshine.

Kung hayagan ang relasyon nina Sunshine at Macky, tahimik lang si Cesar sa kanyang lovelife. He neither confirms nor denies na diumano’y may anak siya sa isang former beauty queen.

Regal baby na rin

First movie ni Richard Yap sa Regal Entertainment ang “Mano Po 7: Chinoy.” Aniya, honored siya na ipinagkatiwala sa kanya ang malaking pelikula na siya pa ang main bida.

Joke niya sa presscon, Regal baby na rin siya ngayon. Sa totoo lang, libangan lang ni Richard ang pag-aartista.

Hindi ito ang bread and butter niya dahil isa siyang successful businessman. Naging part-time commercial model din siya.

Aniya, bilang isang artista, hindi niya pinangarap sumikat. Blessing lang na nangyari ito sa kanya. If ever, wala nang interesadong kumuha ng kanyang serbisyo, magpo-focus nalang siya sa kanyang mga negosyo.

Nalaglag man sa 2016 Metro Manila Film Festival ang “MP7: Chinoy,” umaasa pa rin si Richards and his co-stars na susuportahan pa rin ito ng moviegoers. Showing ito on Dec. 14 sa mga sinehan nationwide.

Nagalingan

Kapatid ni Richard Yap sa “Mano Po 7: Chinoy” ang role ni Eric Quizon. Nakasama siya sa unang MP series kung saan gumanap siya bilang husband ni Kris Aquino.

Natutuwa si Eric na bahagi siya ngayon ng MP7 na dinirek ni Ian Lorenos. Nagalingan siya rito na ani Eric, may mata, damdamin at puso ang trabaho nito. “Mararamdaman talaga sa bawat eksena ang passion niya,” ani Eric.

Si Lorenos ang nagdirek ng “The Leaving” kung saan nanalo ng Best Supporting Actress si LJ Reyes at “Alagwa” na nagpanalo kay Jericho Rosales bilang Best Actor sa Gawad Urian.

comments