Home » Entertainment » Geoff happy with singer-GF

Geoff happy with singer-GF

geoff-copy-copy

HAPPY daw ngayon ang aktor na si Geoff Eigenmann dahil sa kanyang 10-month relationship with singer Maya.

Kasama ni Geoff si Maya sa dinaluhan nitong event ng Rene Mouris watch sa grand ballroom of City of Dreams.

Iba raw pala ang magkaroon ng girlfriend na singer.

“Maya always sings to me,” ngiti pa niya.

Simpleng tao lang siya and that is what I like about her. Tapos she’s very talented. I always watch her shows and she’s really good.”

Pabor na pabor nga raw ang ina niyang si Gina Alajar sa relasyon nito kay Maya.

“Si mommy naman, she’s very supportive. Kung sino ang mahal namin, mahal din niya.

“When they met for the first time, they immediately clicked. Parang family na agad si Maya. Kahit sa mga kapatid at mga pinsan ko, they love her.

“Yun naman ang importante. Kung sino ang mahal ko ay mahal din nila.”

Ayon kay Geoff, everything got better after moving on sa naging failed relationship niya with Kapuso actress Carla Abellana.

Noong 2014 nag-break sina Geoff and Carla. Pero dalawang taon din na never pa raw silang aksidenteng nagkita ulit.

“I don’t know kung bakit gano’n.

“In case na aksidente kaming magkita, I would be a gentleman and I would say ‘hi’ to her.

“I can be civil to her because matagal na rin ’yun and we’ve both moved on,” kuwento pa niya.

Hindi rin masagot ni Geoff kung friends ba sila ni Carla o hindi.

“It’s hard to say kasi it’s been so long. I don’t even know kung friends kami.

“Whatever it is, magiging civil naman ako to her.”

May bagong sisimulang teleserye next year si Geoff sa ABS-CBN 2.

Huli siyang napanood sa “Be My Lady.” (RUEL J. MENDOZA)

comments