Home » News » News Roundup » Lalaki naglason sa hotel room

Lalaki naglason sa hotel room

Dahil sa pagkakagastos sa pera ng ibang tao, isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng bleaching chemical sa loob ng isang hotel room sa Sta. Cruz, Manila, noong Linggo ng gabi.

Ayon sa police report, natagpuan ang bangkay ni Patrick Auto, 51, residente ng Sampaloc, Manila, sa loob ng isang hotel room dakong 10:40 p.m., dalawang oras matapos siyang mag-check-in.

Sinabi ng mga imbestigador na nakita malapit sa katawan ng biktima ang isang zip lock plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na kalaunan ay napag-alaman na oxalic acid.

Nakita sa ibabaw ng drawer ng silid ang suicide note ng biktima na nakasulat sa dalawang piraso ng papel.

Napag-alaman ng police na winakasan ni Auto ang sariling buhay dahil nagamit niya ang pera na hindi kanya.

Sa kanyang suicide note, nagpaalam si Auto sa kanyang mga mahal sa buhay at humingi ng tawad sa mga taong kanyang nasaktan, ayon sa imbestigador. (Betheena Kae Unite)

comments