Home » Sports » Jr. Volcanoes handa na

Jr. Volcanoes handa na

Tatlong miyembro ng men’s team ang magbibigay liderato at ekspiriyensa sa Philippine Junior Volcanoes U19 na sasagupain ang matinding karibal na Korea sa pagsabak nito sa 2016 U19 Asia Rugby Championship simula bukas sa International School of Manila sa Taguig.

Ang tatlo ay sina Rhys Jacob Mackley, Kai Ledesma Stroem at Robert Benitez McCafferty na nakasabak na sa mga laro ng elite squad na Volcanoes’ ngayong taon at inaasahang mamumuno para sa mga Pinoy U19s sa tampok na Division 1 ng torneo kontra Korea, Singapore at United Arab Emirates.

“Korea is a well-funded, well trained and very organized. We have yet to win over them but the presence of the three will be a huge boost. The experience, knowledge and skills these players bring to the U19 is immense,” sabi ni Jake Letts, assistant coach ng First Pacific-sponsored na Junior Volcanoes. (Angie Oredo)

comments