Home » Entertainment » Rufa Mae shares 4D photo of her baby

Rufa Mae shares 4D photo of her baby

15rufa-mae-quinto-instagram-copy

HINDI pinagdamot ni Rufa Mae Quinto-Magallanes ang hitsura ng malapit na niyang iluwal na baby nila ng kanyang mister na si Trevor Magallanes.

Ayon kay Mommy Rufa Mae, ang hitsura nga raw ni Alexandria Magallanes sa 4D photo nito ay matangos ang ilong, deep set na almond eyes at full lips.

Sa ikatlong trimester ng kanyang pagbubuntis ay may bigat na 3 lbs, 5 oz ang baby ni Rufa Mae at may heart beat na 142.

Makulit nga raw ang kanyang anak sa loob ng kanyang tiyan.

Kung noon daw ay takot si Rufa Mae na magbuntis dahil masisira ang figure niya, ngayon ay isa ito sa “pinakamasayang yugto ng pagkatao” at “pinakamagandang regalo galing sa Maykapal”.

Pinakamaganda raw ay kumpleto na ang pinapangarap na pamilya ni Rufa Mae.

“Hindi na ako mag-iisa kahit kailan. Kumpleto na ang buhay ko at may sarili na akong pamilya! Ito na nga ang mabuhay ang bagong kasal!” ngiti pa niya.

Heto ang pinost na mensahe ni Rufa Mae sa kanyang Instagram:

“Yes natagalan ako bago mag-isip na magkaanak dahil natatakot ako lumaki ang tyan ko and dahil baka magka-stretch marks ako (buti na lang wala akong stretch marks haha), na baka mahirap etc. Pero dahil sa pagmamahal, sa tulong ng dasal at sa asawa ko @trevvvsilog, naging malakas ang loob ko na harapin at i-embrace ang lahat ng pagbabago sa sarili ko at sa katawan ko, and yes, ito ang pinakamasayang yugto ng pagkatao ko, hindi na ako mag-iisa kahit kailan… kumpleto na ang buhay ko at may sarili na akong pamilya! Ito ang pinakamagandang regalo galing sa Maykapal!

At eto na nga mabuhay ang bagong kasal! Masaya ako kasi nakita ko na sa 4D ang picture and video ni @alexandriamagallanes !!! Napaka ganda nya, matangos ilong and deep set na almond eyes, full lips, complete sya and perfectly daw haha 3 lbs 5 oz, 142 heart beat nya, makulit sya parang ako! Sabi nya todo na to! Go go go! Naganap sa @inmywombang scan #obstetrical #ultrasound #report 2nd and 3rd trimester!!! Ang saya namin bilang magulang. I can’t wait for the printing and everything!!! Thanks super love ko mga doctors, staff, ob-gyne Sheila @sheijaune sa @inmywombyahoo!!! #busognapagmamahal.” (Ruel J. Mendoza)

comments