Home » Headlines » Bong pinayagang dalawin ang amang may sakit

Bong pinayagang dalawin ang amang may sakit

Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan First Division si dating Senador Bong Revilla Jr. na bisitahin sa ospital ang kanyang amang may sakit.

Sa resolusyong inilabas, sinabi ng anti-graft court na pinayagan nito si Revilla na puntahan ang kanyang ama sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

Naka-confine ang matandang Revilla sa intensive care unit (ICU) ng ospital dahil sa sepsis at pneumonia. Dahil sa matinding pag-aalala sa ama, humingi ng permiso si Revilla na mabisita ang kanyang ama kasabay ng pagbawi niya sa kaniyang naunang kahilingan na payagan siyang makasama ang kanyang pamil-ya sa pagdiriwang ng Pasko (December 24 and 25) sa Cavite.

Sinabi ng dating senador na mas nanaisin niyang makita ang kanyang amang may sakit. Pinayagan naman ng korte si Revilla na maihatid siya sa ospital sa December 16 mula 2 p.m. hanggang 8 p.m. (Czarina Nicole O. Ong)

comments