Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » OFW patay sa 17 saksak

OFW patay sa 17 saksak

Patay ang isang babaeng overseas Filipino worker na kadarating lamang from Hong Kong nang saksakin siya ng 17 beses ng kanyang asawa dahil umano sa selos sa kanilang bahay sa Gonzaga, Cagayan noong Martes.

Kinilala ng Gonzaga police ang biktima na si Arlyn Dalmaceda, 41.

Ayon kay PO2 Loreto Verson, officer on case, nangyari ang insidente sa bandang 10 p.m. sa Barangay Minanga.

Patulog na ang biktima kasama ang suspect na si Alex Dalmaceda, 43, mangingisda, ng magkaroon sila ng matinding alitan dahil sa relasyon umano ni Arlyn sa isang tibo.

Kumuha ng 10 inches na stainless steel kitchen knife ang suspect at sinaksak ang biktima ng 17 beses sa katawan.

Sumigaw ang biktima at pumasok ang kanilang anak sa kuwarto ng magasawa.

Nakita ng anak ang kanyang ina na duguan at nakahandusay sa sahig. Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

Narecover ang kitchen knife na ginamit sa silid ng mag-asawa at sumuko ang suspect ilang oras matapos ang insidente. (Liezle Basa Iñigo)

comments