Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vhong hanggang tingin na lang kay Kim

Vhong hanggang tingin na lang kay Kim

25kim-copy-copy

MERRY Christmas to one and all. Cheers at nawa’y maging masaya at mapayapa ang celebration nating lahat. Happy lang!

Next na?

Sumunod na kayang magpo-propose ng marriage si Luis Manzano kay Jessy Mendiola? Naunahan siya ng BFF niyang si Billy Crawford na engaged na kay Coleen Garcia. Wala pang detalye ng kanilang kasal. Ang tanging sabi ni Billy, “It should not be anytime soon .” May mga obligation pa raw sila at kailangan pa nilang magtrabaho para sa kanilang magandang kinabukasan.

Ayon pa kay Billy, sa Spain sana siya magpo-propose ng kasal kay Coleen. Hindi na siya nakapaghintay, kaya sa isang QC restaurant siya nag-propose at saksi ang kanilang close friends.

Aniya pa, 19 months ago pa niya nabili ang engagement ring na binigay niya kay Coleen. Itinago lang muna niya ’yon.

Pinagplanuhan niyang mabuti ang marriage proposal kay Coleen.

Billy is 33 years old, 24 naman si Coleen. Nasa Spain sila ngayon at doon nagse-celebrate ng Pasko. January na ang balik nila sa Pilipinas.

Same taste

Dito lang sa Pilipinas ang Christmas celebration nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Nag-Noche Buena si Luis sa bahay nina Jessy with her family.

Kasama naman nila ngayong lunch ang pamilya ni Luis. Saan kaya? Sa Batangas resthouse kaya ng mommy ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos-Recto at stepdad niyang si Senator Ralph Recto?

Magkapareho ng taste sa kanilang girlfriends ang mag-BFF na sina Billy Crawford at Luis Manzano. Much younger sa kanila sina Coleen at Jessy. Luis is 35 years old at 23 (or 24?) lang si Jessy.

Pareho ring tisay sina Coleen at Jessy. Pareho rin silang may sexy image. Magkasama sina Coleen at Jessy sa “Extra Service” kung saan sexy secret agents ang kanilang roles. Kasama rin si Arci Muñoz. Showing ang “Extra Service” on Jan. 11.

Hanggang
tingin lang

No show si Kim Domingo sa presscon ng “Mang Kepweng.” Siya pa naman ang love interest ni Vhong Navarro. First time silang nagkatrabaho at puring-puri ni Vhong ang sexy Kapuso star.

“She’s very professional. On time palagi dumating sa set. Walang kiyeme kahit ano’ng ipagawa sa kanya ng director namin,” sambit ni Vhong.

May attraction ba sa kanya si Kim? “Sexy si Kim at humahanga ako sa kanya. Pero hanggang tingin nalang ako,” ani Vhong. Taken na kasi siya at sobrang love niya ang kanyang non-showbiz girlfriend. Taken na rin si Kim ng isang basketball player.

comments