Home » Entertainment » Solenn reaches out to the poor

Solenn reaches out to the poor

MARAMING ginugulat ang Kapuso sexy actress na si Solenn Heussaff dahil sa kanyang mga ginagawa na malayo sa image na kanyang pinapakita sa TV at pelikula.

Sa ilang tao ay isang artista lang si Solenn na napapanood nila sa teleserye, pelikula at TV commercials.

Pero in real life, may ginintuang puso si Solenn na handang tumulong sa mga nangangailangan.

“I guess being exposed to so many people when I entered showbiz brought about that change in me.

“Before I use to be called the Party Girl. Yung walang ibang concern but to have fun.

“But as you grow older, you realize so many things especially the people around you.

“Maraming kailangan ng tulong natin and I am just happy to lend a helping hand to this group of people who inspired me so much in my life,” diin pa ni Solenn.

Noong nakaraang Dec. 17 ay nagbigay si Solenn ng kanyang donasyon sa isang tribal group sa Bukidnon.

Nandoon si Solenn upang daluhan ang 4th Sacred Customaru Compact Celebration of Unity and Peace.

Naghandog si Solenn ng painting na siya mismo ang gumawa.

Bukod pa rito, nagkaroon din siya ng immersion sa kultura ng mga tribal group na nakasalamuha niya.

“Words can’t describe how this felt and what an honor it was for me to meet all of them today and the Datus as well.

Blessed I could help in my own way. #Bukidnon#UnityAndPeace #SolennArt,” post pa niya sa Instagram.

Kaya naman blessed si Solenn sa kanyang career dahil sa kanyang pagtulong sa maraming nangangailangan.

Aside from her shows na It Girls on E! Channel and Taste Buddies on GMA News TV, sunud-sunod din ang mga product endorsements niya.

Kabilang na ang kanyang pagiging bagong endorser ng CDO Holiday Ham na perfect na handa sa lamesa ngayong Noche Buena. (RUEL J. MENDOZA)

comments