Home » News » News Roundup » Babae nagbigti matapos makipagtalo sa partner

Babae nagbigti matapos makipagtalo sa partner

Isang 32-taong gulang na babae ang nagbigti matapos makipagtalo sa kaniyang live-in partner kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Patay na ang biktimang si Pigeline Rizada, residente ng 8110 Virgin Compound, Dr. A Santos Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City, nang matagpuang nakabitin sa second floor ng kanyang bahay bandang 3:00 a.m.

Ayon kay PO3 Mcarthur Encallado ng Paranaque Police Station Investigation and Detective Management Branch, nag-away ang biktima at ang kanyang live-in partner na si Jay-Ar Panisa bago naganap ang insidente.

Sinabi ni Panisa sa police na umalis siya ng bahay dakong 3 a.m. para umiwas sa panibagong away.

Pagkalipas ng ilang oras, laking gulat niya nang makita niyang nakabitin si Rizada mula sa kisame at may nakapalupot na nylon cord sa kanyang leeg.

Dali-daling humingi ng tulong si Panisa sa mga kapitbahay para maibaba ang katawan ng biktima. (Jean Fernando)

comments