Home » News » News Roundup » Lola dedo sa motorbike crash

Lola dedo sa motorbike crash

Patay ang isang 77-taong gulang na babae matapos mahagip ng isang motorsiklo habang tumatawid ng daan sa Sta. Ana, Manila, noong isang araw.

Base sa police report, tumatawid si Flor Santos mula sa southbound papuntang northbound lane ng New Panaderos Street nang mabangga ng Rusi motorcycle (6622-HZ) na minamaneho ni Juamar Carpio, 45.

Parehong natumba sa kalye sina Carpio at Lamayan dahil sa lakas ng pagkabangga.

Isinugod ang dalawa sa Sta. Ana Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival si Santos. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments