Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Wedding bells in 2017?

Wedding bells in 2017?

dennis-and-jennylyn1-copy-copy

HAPPY New Year sa Tempo readers. Nawa’y maging masagana at manigo ang 2017 para sa ating lahat. Cheers!

2017 weddings

Maraming showbiz personalities ang nagpakasal last year. Kabilang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico; Georgina Wilson at Isabelle Daza na parehong foreigners ang napangasawa; Vic Sotto at Pauleen Luna; Kean Cipriano at Chynna Ortaleza; John Prats at Isabel Oli; Kaye Abad at Paul Jake Castillo, among others.

Sino-sino naman kaya ang magpapakasal ngayong 2017? Engaged na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff; Billy Crawford at Coleen Garcia; Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. May marriage proposals na kayang maganap kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, Luis Manzano at Jessy Mendiola?

What about Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo, Gerald Anderson and Bea Alonzo, Tom Rodriguez and Carla Abellana, Rodjun Cruz at Dianne Medina, Jolo Revilla at Jodi Sta.Maria?

Ang siguradong ikakasal early this year ay si Camille Prats sa non-showbiz fiance niyang si John Yambao. Sa farm sa Batangas na pag-aari ng mga Prats ang kanilang kasal.

May baby boom din last year. Nanganak sina Chynna Ortaleza, Isabel Oli, Iya Villania, Toni Gonzaga, Judy Ann Santos, Mariel Rodriguez, Kristine Hermosa, and who else?

Sinu-sino naman kaya ang mabubuntis? Abang-abang nalang pag may time.

’Kaloka!

Tsika ng isang reporter tungkol sa isang aktres. May event ito, kaya nagpunta ito sa salon ng isang kaibigang make-up artist/hairstylist para magpa-make-up at magpaayos ng buhok.

Todo asikaso ang make-up artist/hairstylist. Hindi pa nito pinagbayad ang aktres sa ginawang serbisyo rito.

“Naloka” ang make-up artist/hairstylist noong panoorin niya sa TV ang event na pinuntahan ng aktres. Nakapusod nalang ang buhok nito na tinalian lang ng kung ano. Pinaghirapan pa naman ng make-up artist/hairstylist ang ayos ng buhok ng aktres.

Buti nalang, hindi inalis ng aktres ang kanyang make-up.

“Never again,” nasambit nalang ng make-up artist/hairstylist.

’Kaloka talaga ang aktres! Pasaway!

Tanggap

Base sa post ng messages ni Paolo Contis sa social media, mukhang super in love siya kay LJ Reyes. Punung-puno ng pagmamahal ang mga mensahe ni Paolo. Pinasalamatan pa niya si LJ sa pagiging mabuting tita sa dalawang anak niya sa ex-wife niyang si Lian Paz. Tanggap din ni Paolo ang anak ni LJ kay Paulo Avelino.

Sa New York nag-Christmas sina Paolo at LJ with her son Aki. Doon kasi nakatira ang mommy ni LJ.

comments