Home » News » News Roundup » Trike driver pinatay dahil sa electric bill

Trike driver pinatay dahil sa electric bill

Tinutugis ng pulis ang lalaking bumaril at nakapatay sa kanyang kasama sa bahay dahil sa away tungkol sa electric bill sa Port Area, Manila, noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PO3 Jorlan Taluban, imbestigador ng Manila Police District homicide section, pinaghahanap ngayon si Muktar Naga dahil sa pagpatay sa kaniyang housemate na si Salahudin Matiagal, 28, isang tricycle driver.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente sa loob ng bahay na kapuwa tinitirhan ng suspek at biktima sa Block 11 Extension, Baseco Compound, bandang 9:05 p.m..

Sinabi ni Sara, 26, asawa ni Salahudin, na sinisingil nila si Naga sa inabonohan nilang bayad niya sa kuryente.

Sa halip na magbayad, lumabas ng kaniyang silid si Naga at pinaputukan ng baril ang dalawa.

Tumakbo ang mag-asawa ngunit hinabol sila ni Naga at binaril sa ulo si Salahudin.

Mabilis na tumakas si Naga habang isinugod naman ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kung saan siya binawian ng buhay dakong 11:06 a.m. ng Huwebes. (Analou de Vera)

comments