Home » Headlines » Nakoryente

Nakoryente

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaniyang katrabaho nang makoryente sila habang iniaakyat nila ang isang steel pipe sa isang bahay sa Tondo, Manila, noong isang araw.

Ayon sa police report, dinadala nina Gilbert Dizon, 31, at Ronald Trinidad, 32, ang isang 4×20 steel pipe mula sa ground floor patungo sa fifth floor ng bahay sa 117 Pacheco Street, Tondo.

Nang marating nila ang fifth floor, aksidenting nasagi ng dala nilang lead pipe ang isang Meralco high tension wire na naging dahilan para sila makoryente.

Kaagad na isinugod ang dalawang walang malay na trabahador sa Mary Johnston Hospital ngunit namatay din kalaunan si Dizon dahil sa mga paso sa kaliwang binti at dibdib at sugat sa ulo.

Naka-confine naman si Trinidad sa naturang ospital at patuloy ginagamot ang mga paso niya sa kamay at paa.
(Jaimie Rose R. Aberia)

comments