Home » News » News Roundup » Babae nahulog sa footbridge

Babae nahulog sa footbridge

Nagtamo ng pinsala sa katawan isang babae na may problema umano sa pagiisip pagkatapos mahulog mula sa isang footbridge at bumagsak sa ibabaw ng dumaraang sasakyan sa tapat ng isang kilalang mall sa EDSA, Barangay Bagong Pagasa, Quezon City noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Mischelle Joy Dizon, 35, residente ng Barangay Batasan Hills.

Ayon sa salaysay ng saksing si Marlon Bargola, sidewalk vendor, sa mga pulis, nakita na lamang niya ang biktima na nakalambitin sa footbridge at biglang nahulog.

Bumagsak ang biktima sa dumaraang sasakyan. Huminto ang driver ng sasakyan at isinugod sa ospital ang biktima kasama ang isang pulis.

Dumating ang mga magulang ng biktima at inamin sa mga otoridad na may problema sa pagiisip ang kanilang anak.
(Vanne Elaine P. Terrazola)

comments