Home » Headlines » Bus terminal ililipat

Bus terminal ililipat

Ibinigay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “go signal” para ilipat ang provincial bus terminal mula sa Paranaque City sa bagong lugar nito sa Macapagal Avenue, Pasay City, sa susunod na buwan.

Inaasahang maaapektuhang ng paglipat ng bus terminal ang commuters na mangagaling sa Cavite at Batangas.

Sinabi ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos na ang Southwest Integrated Interim Provincial Terminal na nakatayo sa Uniwide Coastal Mall ay ililipat sa lupang pag-aari ng ahensiya sa tabi ng Hong Kong (HK) Plaza sa Macapagal Boulevard, malapit sa Libertad terminal. (A. Liza Villas-Alavaren)

comments