Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Dagdag job fair sa C. Visayas

Dagdag job fair sa C. Visayas

Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mas maraming job fair ngayong buwan upang magbigay oportunidad sa mga jobseekers na makahanap ng trabaho at nang mabawasan na rin ang unemployment rate ng bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na mas maraming local at overseas-based na trabaho ang naghihintay sa mga jobseekers sa job fairs na gaganapin sa Central Visayas sa buwan na ito.

“Kami ay masigasig na nagbibigay ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho, lalo na sa mga bagong gradweyt. Ito ang aming paraan para maipaabot ang aming serbisyo sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang rehiyon. Maliban dito, kami rin ay naghahanda rin para sa iba pang karagdagang job fair sa buong bansa,” sabi ni Bello.

Ang lokal at overseas job fairs ay gaganapin sa Cebu Provincial Capitol Social Hall sa Marso 12 at sa University of San Jose-Recoletos, Cebu City sa Marso 16-17.

comments