Home » Entertainment » Aktres, trying hard

Aktres, trying hard

piolo2 copy

Mas nagiging kahawig na ni Dingdong Dantes kesa kay Marian Rivera ang anak nilang si Baby Zia. Sa recent photos ng bagets na kuha sa Japan vacation ng mag-anak, kita ang hawig ng mag-ama.

Nakakagigil ang cuteness ni Baby Zia na mana naman kay Marian ang pagiging palangiti. Nakaka-good vibes ang bagets.

Sabi nga ni Marian sa isang interbyu, bungisngis ang anak niya at malambing na namana rin nito sa kanya.

Ang daming naka-like sa picture ni Dingdong na pinahahanginan niya ang isang inflatable pool para kay Baby Zia sa kanilang garden. Dadding-daddy ang dating ng Kapuso Primetime King.

Kamakailan ay sumali si Dingdong sa Ironman 70.B na ginanap sa Subic. Kasama niya ang ilang friends sa relay division. Next time, gusto naman niyang subukan ang triathlon – swimming, biking at running.

Kabaliktaran

Super close ang mag-amang Piolo at Iñigo Pascual. Nag-viral video ang kissing photo nila na binigyan ng malisya ng ilang netizens.

Nagpapakita lang ‘yun ng pagmamahalan nila bilang mag-ama. Hindi lumaki si Iñigo kapiling ang kanyang daddy dahil nasa US siya noong bata pa siya. Teen-ager na si Iñigo nang tumira siya kay Piolo, kaya super bawi ang huli para makapag-bonding silang mag-ama.

Kabaliktaran sila ng sitwasyon ng mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga. Lumaki si Diego na may kimkim na galit sa kanyang daddy dahil hindi raw siya nito kinikilalang anak. Sapul pagkabata, sa Australia nanirahan si Diego. Teen-ager na siya noong manirahan siya sa Pilipinas. Pero hindi kasing sweet ng samahan nina Piolo at Iñigo ang nangyari kina Cesar at Diego.

Hindi kaya naiinggit si Diego kay Iñigo? May loving and caring father na kinasasabikan niya sa kanyang daddy Cesar?

Feelingera

May mga nanlait kay Kris Bernal noong nag-post siya ng sexy photos niya sa social media. Feelingera raw siya at trying hard magpa-sexy.

Kris could not care less. Aniya, she cannot please everybody. May mga naka-appreciate rin naman sa sexy photos niya.

Kailan pa siya magpapaseksi? Kung matanda na siya at kulubot na ang balat?

Watch Kris this Sunday bilang celebrity player sa “People Vs. The Stars” at 5 pm sa GMA7 with Ryza Cenon and Divine Aucina. Hosted by Drew Arellano and Iya Villania.

comments