Home » News » News Roundup » Drivers nab holdup man

Drivers nab holdup man

Kinuyog at binugbog ng mga drivers ang isang lalaking nang-holdap at nanaksak umano ng taxi driver sa Sampaloc, Manila noong Sabado.

Kinilala ng Manila Police District ang suspect na si 36-year-old Arnel Lubaton.

Ayon sa police, pinara ni Lubaton ang taxi ng biktimang si Rolando Santos sa Banawe St., Quezon City at nagpahatid sa Sampaloc, Manila. Pagdating sa Sociego St. sa Sampaloc, naglabas ng gunting ang suspect at nagdeklara ng holdup.

Tumigil ang biktima at sinaksak siya ng suspect sa hita.

Napansin ng mga tricycle drivers sa lugar at driver ng kasunod na taxi ang kaguluhan at lumapit ang mga ito. Nakita ng suspect ang paparating na taumbayan at sinaksak ulit ang biktika sa dibdib at braso.

Lumabas ang suspect at hinabol ng mga taumbayan. Nacorner ang suspect pagkatapos ng ilang minutong habulan at binugbog ng taumbayan.

Sumuko ang suspect samantalang dinala ang biktima sa hospital. Narecover ang gunting sa suspect na umaming nangholdap siya dahil kailangan niya ng pambayad sa kaniyang utility bills. (Jaimie Rose A. Aberia)

comments