Home » News » News Roundup » Skeleton dug up in Manila

Skeleton dug up in Manila

Natagpuan ang mga buto ng tao habang hinuhukay ang butas para sa utility pole ng Manila Electric Co. sa Ermita, Manila noong Biyernes.

Ayon kay construction worker Alexander Pascual, 40, naghuhukay sila ng butas sa Linao St. malapit sa President Quirino Ave. o mas kilala sa South Superhighway para sa utility pole ng matagpuan nila ang isang sako.

Binuksan nila ang sako at nagulat sila ng makitang mga buto ng tao ang laman nito.

Kaagad na ipinagbigay alam ito ni Pascual kay Barangay 743, Zone 80 Chairman Felimon Tutica. Ini-report naman ito ni Tutica sa Manila Police District Station 5.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino ang mga nahukay na buto. (Jaimie Rose A. Aberia)

comments