Home » Entertainment » How Tweetie de Leon stays healthy and sexy even at 50

How Tweetie de Leon stays healthy and sexy even at 50

Nagdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan kamakailan ang celebrity at supermodel na si Tweetie de Leon-Gonzalez. Hindi siya nahihiyang sabihin ang kanyang edad dahil napanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan at mukha siyang bata kaysa sa kanyang edad. Sa katunayan, ikinukunsidera pa niya itong isang milestone sa kanyang buhay.

Ang sikreto raw niya ay balanse ng lahat ng bagay – nutrition, exercise, work, rest, self, and family. Health buff na si Tweetie simula nang maging fashion model siya noong kanyang kabataan, hanggang sa maging kauna-unahang Filipina Ford Supermodel, maging artista, entrepreneur, at ngayon ay ina sa apat na anak.

Sa kabila ng busy schedule sa pagma-manage ng kanyang boutique na TDLG, na gumagawa ng handcrafted jewelry, nagagawa pa rin niyang makasama ang kanyang asawa at mga anak sa paborito ni-lang sports activities.

Hindi nga naman biro ang magkaroon ng active at busy lifestyle. Buti na lang daw ay nadiskubre niya ang health drink na Organique Acai Premium Blend, na ineendorso niya ngayon.

Nakatulong din daw ang Organique para masolusyunan ang problema niya sa kanyang acid reflux, na nadiskubre niya two years ago. “I consulted several doctors and tried everything but it just wouldn’t go away. But since my first drink of Organique, I have been able to manage my hyperacidity without the help of strong medicines, save for a few severe cases of an attack. It’s so effective that I even bring a bottle with me during trips.”

Ang Organique Acai Berry ay ipinakilala sa Pilipinas walong taon na ang nakararaan ng Cebu-based couple na sina Elton and Cathy Sa-limbangon. (Glen P. Sibonga)

comments