Home » News » News Roundup » Drug pusher binaril sa Pasay

Drug pusher binaril sa Pasay

Patay ang isang kilalang drug pusher at holdaper nang pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang naglalakad para bumili ng softdrinks sa Pasay City, noong Martes.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang biktima na si Albert Tabora, 30, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang at residente ng 2942 Park Avenue, Barangay 79, Pasay City.

Dead on the spot siya dahil sa maraming tama ng bala sa ulo at katawan. Ayon kay SPD spokesperson, Supt. Jenny Tecson, naganap ang insidente dakong 9:45 p.m. noong Martes sa Mahogany St., Barangay 145 Zone 16, Sto. Nino, Pasay City.

Base sa pahayag ng witnesses, naglalakad ang biktima nang sundan at pagbabarilin ng ng apat na nakamaskarang lalaki.

Naglakad lamang ang mga salarin na parang walang nangyari matapos ang pamamaril. Base sa police record, nasa drug list ng Pasay City Police si Tabora na kilala umanong drug pusher at holdaper. (Jean Fernando)

comments