Home » Entertainment » Thea, latest threat to AlDub loveteam?

Thea, latest threat to AlDub loveteam?

Natuwa si Thea Tolentino dahil siya ang napili para sa role na Trish sa GMA primetime teleserye na Destind To Be Yours.

Ginagampanan ni Thea ang role na Trish, ang ex-girlfriend ni Benjie (Alden Richards) na naging sanhi ng unang heartbreak nito.

“First time ko makakatrabaho si Alden sa isang teleserye.

“Nakasama ko na siya before sa isang challenge namin sa Protégé noong 2012. Tapos nakakasama ko rin siya before sa Party Pilipinas at sa mga regional shows ng GMA-7,” pag-alala pa ni Thea.

Sa isang flashback ni Benjie sa teleserye, pinakitang nahuli nito si Trish na nakikipaghalikan sa ibang lalake. Kaya simula noon ay walang sineseryosong babae si Benjie.

Ayon pa kay Thea na hindi raw nagbabago ng ugali si Alden. Kahit na raw isang big star na ito.

“Kung paano ko unang nakilala si Alden five years ago, gano’n pa rin siya. Very humble at laging naka-smile.

“Noong magkita po kami sa set ng teleserye for the first time, napaka-warm ng welcome niya.

“Patunay lang na he’s such a down-to-earth person. Hindi siya nabago ng fame niya ngayon,” diin pa ni Thea.

Kumusta naman si Maine Mendoza na katrabaho?

“Okey po si Maine. Though hindi pa kami nagkakakuwentuhan pa, masaya siya sa set.

“Iba ang energy na dinadala ni Maine sa set. Tsaka very positive ang personality niya.”

Isa sa ikinatutuwa ni Thea ay ang feedback ng AlDub Nation sa pagpasok niya sa teleserye.

Puro positive ang feedbacks sa kanya dahil magaling daw siyang kontrabida. At hindi raw sila threatened kay Thea dahil alam nilang may boyfriend ito in real life.

“Kaya medyo nawala ang kaba ko kasi alam ko na very protective ang AlDub Nation kina Alden at Maine bilang loveteam.

“Tsaka, nanggaling na nga po sa ibang fans na hindi ako threat kasi may boyfriend ako sa totoong buhay,. Hindi ba, pati ‘yun alam nila?” sabay tawa pa ni Thea Tolentino na four years na ang relationship with Kapuso actor-singer Mikoy Morales. (RUEL J. MENDOZA)

comments