Home » Entertainment » Dancing helped Regine heal her broken heart

Dancing helped Regine heal her broken heart

1Regine Tolentino copy

Totally over at naka-move on na raw ang Dance Fitness Diva na si Regine Tolentino mula sa pain ng pagiging broken-hearted dahil sa paghihiwalay nila ng dating asawang si Lander Vera-Perez two years ago.

Sa katunayan, nakakapagbiro na si Regine tungkol dito. Bahagi nga ng kanyang spiel sa presscon ng ineendorso niyang gamot: “Flanax can help you out with whatever pain that you have. So, sa back, sa tuhod, sa ngipin, sa ulo, whatever it may be, it can help you out and heal you nice and quick. Kaya nga subok ko na ‘yan. It can heal everything except a broken heart.”

Pero nakatulong din daw sa kanya ang Flanax in a different way. “Nakatulong ang Flanax sa pain dahil naging busy ako sa paggawa ng dance fitness moves para sa dance fitness album ko with instructional easy to follow video produced by Flanax. Pati na rin sa mga Zumba events ko supported by Flanax. So, medyo na-distract ako sa ibang mga bagay na nagaganap sa buhay. I’m just really excited right now, my energy is all going towards this whole health and wellness advocacy that I have. I’d like to inspire people to dance with me. Isayaw niyo lang ang mga problema niyo, masaya na ang lahat.”

Pero bago naka-move on, inamin ni Regine na dumaan din siya sa mahirap at masakit na moment. “I also had struggles especially nung time ng separation, na parang you feel depressed and you don’t want to get out of bed, you don’t want to get dressed, you don’t want to do anything, and just want to stay home and feel secluded. I went through that, it’s a physical pain, it’s an emotional pain. But I overcame it through dancing and also support from my kids.”

Sa ngayon, excited si Regine dahil pangungunahan niya kasama si Richard Yap ang Flanax Subok Ko Na ‘Yan: Flanax @35 Dance Fitness Concert na magaganap sa April 8, 2017 sa PICC Forum 2 and 3. (Glen P. Sibonga)

comments