Home » News » News Roundup » Laborer stabbed by live-in partner’s ex

Laborer stabbed by live-in partner’s ex

Agaw buhay ang isang construction worker pagkatapos umanong saksakin ng dating kinakasama ng kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ayon sa Pasay police, naglalakad pauwi ang biktimang si Reynaldo Panganiban, 36, residente ng Pag-asa St., Barangay 185, Maricaban, sa madilim na bahagi ng Cadena de Amor St. sa Barangay 184 ng salubungin siya ng suspect na nakilala lamang sa alias na “Totoy Back Dive” ng Barangay 185, Maricaban.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at suspect na nauwi sa suntukan. Bumunot ng patalim ang suspect habang nakikipagsuntukan at sinaksak ang biktima sa dibdib ng dalawang beses.

Tumakas ang suspect at iniwang nakahandusay sa kalye ang biktima. Nakita ng isang dumaraan ang biktima at ipinagbigay alam sa barangay na siyang nagdala kay Panganiban sa ospital.

Napagalaman ng mga police sa mga kapitbahay ni Panganiban na dating mag-live in sina Totoy at kinakasama ngayon ng biktima na si Jennylyn Detera. Dahilan dito, nagselos umano ang suspect kay Panganiban.

Napagalaman din nga mga police sa barangay na ito ang pangalawang beses na nagkaroon ng alitan ang suspect at biktima. Hinala ng barangay na hindi makapag-move on ang suspect sa nabigo niyang relationship kay Detera at nagseselos sa biktima. (Martin A. Sadongdong)

comments