Home » News » News Roundup » ‘Cara y Cruz’ player binaril

‘Cara y Cruz’ player binaril

Binaril hanggang sa mamatay ang isang 19-taong gulang na lalaki habang naglalaro ng “cara y cruz” kahapon ng umaga.

Kinilala ng police ang biktima na si Michael Cayanan, residente ng Barangay 175, Camarin Caloocan. Ayon sa mga testigo, naglalaro ng “Cara Y Cuz” si Cayanan kasama ang mga kaibigan sa isang kalye ng Phase 3B, Barangay, 175, Caloocan, dakong 1:45 a.m. nang lapitan ng hindi kilalang lalaki at barilin siya sa ulo.

Patay agad ang biktima habang casual na naglakad papalayo ang gunman na parang walang nangyari. Patuloy na sinisiyasat ng police ang pagpatay. (Jel Santos)

comments