Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Dump truck rams into house; 1 dead, 4 hurt

Dump truck rams into house; 1 dead, 4 hurt

SARRAT, Ilocos Norte – Patay ang driver samantalang apat ang sugatan nang bumangga ang kanyang minamanehong dump truck sa isang bahay sa Barangay 5, San Vicente, Sarrat, Ilocos Norte noong Miyerkules.

Kinilala ang namatay na biktima na si Edwin Banao, 57, residente ng Callaguip, Batac City, Ilocos Norte.

Batay sa imbestigasyon nina PO1 Mark Wilmer Viado and PO1 William Gaoiran, may hawak ng kaso, mabilis umano ang takbo ng dump truck at nawalan ng kontrol ang biktima sa palikong bahagi ng kalsada.

Bumangga ang dump truck sa isang bahay na pagmamay-ari ni Auby Racela kung saan nasugatan ang apat na biktima na nakilalang sina Jhon Ballesteros, Marie Jane Ballesteros, Cecile Marie Ballesteros, at Marielle Angel Ballesteros.

Dinala ang mga nasugatan sa hospital sa Laoag City samantalang nagtamo ng matinding pinsala ang bahay at dump truck. (Liezle Basa Iñigo)

comments