Home » Entertainment » Jaclyn Jose, not afraid of confrontations

Jaclyn Jose, not afraid of confrontations

Muling patutunayan ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang kanyang pagiging versatile actress sa aabangan na drama-comedy series ng GMA-7 na D’Originals.

Sa naturang series, gagampanan ni Jaclyn ang role na Josie, isang domesticated housewife na gumuho ang mundo nang malaman niyang may ibang babae ang kanyang mister, played by Jestoni Alarcon.

Ang masakit pa raw ay mas bata at mas sexy ang other woman na ginagampanan ni Katrina Halili.

“’Itong show na ito ay para sa mga misis na nakaranas ng pambabae mula sa kanilang mister.

“Makakapulot sila ng tips sa show kung papaano nagloloko ang mga lalaki ng hindi natin alam, paano natin iwo-work out, paano natin susulusyonan.

“Hindi lang siya basta dramedy, sobrang experimental niya na we’re reaching talaga ‘yung mga misis sa tahanan,” ngiti pa niya.

Tinanong ang 2016 Cannes Best Actress kung in real life ba ay may sinugod na ba siyang other woman? Oo ang sagot ng aktres at dalawang beses na niyang nagawa iyon.

“Siyempre, noong bata-bata pa tayo, masyado tayong mabilis ma-in love at mabilis din tayong magselos.

“Pero ‘yung mga confrontations na ginawa ko noon ay may pruweba naman dahil nahuli ko sila, eh.

“’Yung una, nakita ko first hand na magkasama sila. Inabangan ko sa lugar, alam kong doon nagpupunta, nakita ko lumalabas, inakbayan, sinakay sa kotse.

“Medyo matagal sa kotse kaya uminit na ulo ko! Bumaba na ako at sinipa ang pinto. ‘Lumabas ka dyan!’ sabi ko.

“Tapos second na nangyari sa akin, um-attend ako sa isang party, tinago ‘yung babae sa kuwarto, eh, may mga nagsumbong sa akin.

“Sinugod ko, tapos tanong ko ‘May nangyari ba talaga sa inyo?’ Sani sa akin, ‘Kiss lang po,’ Sinipa ko sa face!

“Siyempre noong araw, magagalit ka kapag naloko ka, eh.

“Pero after a while, masasanay ka na rin, so wala akong partner,” natatawang pagtapos pa ni Jaclyn Jose.
(RUEL J. MENDOZA)

comments