Home » Entertainment » Aktres, natakot, nandiri sa aktor

Aktres, natakot, nandiri sa aktor

9Mikael Daez and Janine Gutierrez copy copy

Komportable na sina Mikael Daez at Janine Gutierrez working with each other. Kasama ang ilang showbiz writers, nakausap namin sila sa taping ng “Legally Blind” sa Ninoy Aquino Parks and Wild Life, QC.

“Masungit ‘yan (Janine), lalo na pagmadaling-araw na. Nakasimangot. Ako, masayahing tao,” joke ni Mikael. “Sobra ka naman,” buwelta ni Janine.

Seriously, happy sila sa magandang pagtanggap ng Kapuso viewers sa kanilang afternoon series at sa magandang ratings nito. Ani Janine, nagugulat sila kapag nababasa nila ang script. “Ang daming nangyayari,” aniya.

Sa eksena nila ni Marc Abaya kung saan sobrang obsessed na ito sa kanya at pinagtangkaan siyang halayin muli ay dinilaan pa siya nito sa pisngi’y totoong natakot siya kay Marc. “Para kasing totoo ‘yung ginawa niya. Nandiri ako,” ani Janine.

Sabi naman ni Mikael, hindi niya magagawa ‘yun kay Janine sakaling kailanganin sa kanilang eksena. Mag-BF-GF sila bilang Edward at Grace na ani Mikael, wala sa karakter ni Edward na magagawa niya ‘yun kay Grace.

Lalong hindi niya magagawang makipag-kissing scene kay Lauren Young na kasama nila sa “Legally Blind.” In real life, girlfriend ni Mikael si Megan Young na kapatid ni Lauren.

Nagseselos ba si Megan kay Janine? “Wala siyang dapat ikaselos. Miss World siya,” ani Janine. “Maganda ang working relationship namin ni Janine. It’s easier na ipakita ko kung sino ako. Komportable akong kausap siya,” sabi naman ni Mikael.

Textmates

Nakitukso pa si Mikael sa showbiz press na kinumusta si Rayver Cruz kay Janine. Aniya, textmates sila ni Rayver, but they’re not dating.

“Type mo ba si Rayver?” tanong ni Mikael. Di nakasagot si Janine. “May chance ba?” hirit pa ni Mikael. No reply pa rin si Janine.

“Kung ipu-pursue ka ni Rayver?” tanong naman ng isang reporter. “Pwede naman siguro. Mabait si Rayver. Masaya siyang kausap,” sambit ni Janine.

Nagkita at matagal silang nagkausap noong opening ng resto-bar na pag-aari ng mommy Lotlot de Leon ni Janine.

Handa na ba siyang mag-entertain ng suitors? “Tingnan natin kung meant to be,” ani Janine. By the way, sila ni Mikael, kasama si Jerald Napoles ang celebrity players ngayong Linggo sa “People Vs. The Stars.” Tutok lang at 5 pm sa GMA7.

comments