Home » Entertainment » 2 aktres, magkaaway?

2 aktres, magkaaway?

Kim Domingo

Per project ang kontrata ni Meg Imperial sa GMA7. First teleserye niya ang “D’Originals.” Mapapanood ito simula April 17 sa Afternoon Prime series ng Kapuso Network.

Isang kabit ang role ni Meg. Na-involve siya kay Archie Alemania na husband ni Kim Domingo.

May confrontation scenes sila at awayan ni Kim. Naisyung off-camera ay magkaaway talaga sila. Itinanggi ito ni Meg.

Na-misinterpret lang daw dahil noong una’y awkward sila ni Kim sa isa’t isa. First time kasi nila magkatrabaho. “Okey kami. Hindi kami magkaaway,” ani Meg.

In real life, okey bang maging kabit siya? “Ayokong may kahati. Gusto ko, ako ang original,” ani Meg. May mga indecent proposal nga sa kanya, pero parati niyang tinatanggihan.

Kumusta naman sila ni JM de Guzman? Ani Meg, naging mag-MU (mutual understanding) sila. Getting there na sila, pero naudlot dahil nagkabalikan sina JM at Jessy Mendiola.

Nasa isang rehabilitation center pa ngayon si JM na ani Meg, ipinagdarasal niyang sana’y tuluy-tuloy na ang paggaling ni JM.

What if, ligawan siya muli ni JM? “Tingnan natin. Hindi ko pa masasagot ‘yan,” ani Meg na umaming she’s dating now. Hindi niya sinabi kung showbiz or non-showbiz guy.

Bakasyon cum trabaho

Bakasyon na may kahalong work this Holy Week si Mark Herras. May out-of-town shoot siyang gagawin kasama si Winwyn Marquez para sa summer special ng GMA7.

Kasama nila ang ibang real-life couples ng Kapuso Network. Tampok si Mark sa “D’Originals” kung saan househusband ang role niya. Si LJ Reyes ang kanyang wife na sa sobrang kabisihan sa trabaho’y na-involve si Mark sa sister-in-law niyang si Lovely Abella.

Bukod sa taping ng “D’Originals,” abala rin si Mark sa joint- gym business nila ng BFF niyang si Rainier Castillo.

Batchmates sila sa “Starstruck 1” na si Mark ang tinanghal na Ultimate Male Survivor.

Muscle Up ang pangalan ng kanilang gym na matatagpuan sa Maginhawa street, V. Luna, QC.

Kung may “D’Originals” si Mark, nasa “Mulawin Vs. Ravena” naman si Winwyn. Hindi siya nakapag-join sa Bb. Pilipinas pageant this year dahil kinailangan niyang mag-training for her role sa MVR. Next year na lang magdyo-join si Winwyn sa Bb. Pilipinas, ayon kay Mark.

comments