Home » Entertainment » Sylvia doesn’t meddle with her children’s love life

Sylvia doesn’t meddle with her children’s love life

11sylvia sanchez copy

Hindi raw nakikialam si Sylvia Sanchez sa love life ng kanyang mga anak lalo na kina Arjo at Ria Atayde, na katulad niya ay mga artista rin.

“Hindi, pakialam ko sa love life ng mga anak ko, sila ’yun. Basta palagi ko namang sinasabi, dapat harapan nila ako ng respectful na magiging partner nila,” sabi ni Sylvia.

’Yung huli bang ipinakilala sa kanya ni Arjo na miyembro ng GirlTrends sa “It’s Showtime” ay nagustuhan niya? “Gusto ko siya, mabait siya, respectful siya na bata. Cute siya.”

Ano ba ang name ni girl? “Basta, hindi nga sinasabi ng anak ko, tapos sasabihin ko, ayoko. Huwag na, kay Arjo ’yun.

Si Arjo ang magsasabi sa inyo, hindi ako.”

Binibigyan niya ba ng advice ang mga anak pagdating sa pakikipagrelasyon? “Wala. Not unless magpapa-advice sa akin ang anak, e di naga-advice ako. Pero hangga’t hindi nagpapa-advice, hindi naman. Basta ang palagi ko lang sinasabi, harapan niyo kami ng daddy niyo ng worth it naman na girlfriend o boyfriend. Iba yung marespeto, mahal kami, mahal din namin, at kasundo ng pamilya ko.”

Hindi pa raw namumroblema si Sylvia kay Ria pagdating sa pakikipag-boyfriend dahil single pa raw ang daughter niya.

“Ayaw pa niya e, choice niya.”

Suportado naman ni Sylvia kung sakaling ituloy ni Ria ang pagsali sa beauty pageant, na inamin ng anak niya sa isa nitong interview. “Okay lang, gusto ko. Depende pa rin ’yun sa kanya. Ngayon kung ang dami niyang trabaho, imposible ’yun, kasi kailangan mag-focus siya doon. Pero kung sasali man siya ng beauty pageant, matutuwa niyan ang tatay niya kasi pangarap ng tatay niya iyan para sa kanya.”

Busy nga silang mag-iina dahil lahat sila ay may mga teleserye sa ABS-CBN. Si Arjo ay napapanood bilang kontrabida ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Si Ria naman ay kasama sa main cast ng “My Dear Heart”. Si Sylvia ang bida sa “The Greatest Love,” na magtatapos na sa April 21. (Glen P. Sibonga)

comments