Home » Entertainment » Mikael at Megan, Umarkila ng isang isla

Mikael at Megan, Umarkila ng isang isla

Mikael copy

Nasa Maldives ngayong Holy Week sina Mikael Daez at Megan Young. First time nila doon, ayon kay Mikael nang nakausap naming sa taping ng “Legally Blind” sa Ninoy Aquino Parks and Wild Life, QC.

Silang dalawa lang at sa isang island sila tumuloy. Sobrang excited sila dahil exclusive lang sa kanila ang inarkila nilang isla.

Mahilig sila mag-travel together ni Megan, ayon kay Mikael. Travel buddies sila.

Magse-seven years na sila together, pero ani Mikael, wala pa silang planong magpakasal. Enjoy-enjoy lang muna sila sa kanilang BF-GF relationship. Siyempre, si Megan na ang “the one” for him at gusting makasama forever.

Fan

Nasa Lobo, Batangas naman this Holy Week si Janine Gutierrez with her mommy Lotlot de Leon and siblings. Fully booked na raw kasi ‘yung mga resort na gusto nilang puntahan.

Nag-offer daw ang kanyang lolo Bo (Christopher de Leon) at nanay Sandy (Andolong) na sa resthouse nila sa Batangas sila magbakasyon. Hindi naman daw ‘yun gagamitin ng pamilya nito ngayong Holy Week.

Sa weekend, pupunta naman sina Janine (minus Lotlot) sa Caliraya, Quezon na ang kanilang papa Ramon Christopher naman ang kasama nilang magkakapatid.

Fan din pala si Janine ng Coldplay at nanood siya ng concert ng British rock band sa SM Mall of Asia grounds. Anang “Legally Blind” star, high school pa lang siya’y bumibili na siya ng CD ng Coldplay. Kasama niyang nanood ng concert ang female friends niya.

Hang-over

May hang-over pa rin at hindi pa maka-move-on si Rocco Nacino sa Coldplay concert. Sa Singapore siya nanood.

Gumawa si Rocco ng cover ng isa sa mga kanta ng Coldplay at tinugtog sa drums. Kinilig ang followers ng “Encantadia” star na nakapanood ng video sa Instagram account nito.

Samantala, isang taon na pala ang nakalipas nang ganapin ang cast reveal ng “Encantadia 2016.”

May anniversary post si Solenn Heussaff na pwede na raw niyang idagdag sa mga lengguwahe niyang Tagalog, English, French ang Enchan (Encantadia language).

Ang dami nang nangyari sa mundo ng Encantadia. Abangan ang iba pang pasabog ngayong nagbalik na si Hagorn (John Arcilla). Nagkita na sina Hagorn at Deshna/Luna (Inah de Belen) na anak nila ni Lila Sari (Diana Zubiri).

comments