Home » Entertainment » Aktres, takot sa DOM

Aktres, takot sa DOM

Sa presscon ng “D’Originals,” kapwa itinanggi nina LJ Reyes at Katrina Halili na may indecent proposals sila. Ani LJ, takot siya, lalo na sa DOM (Dirty Old Man ).

Umiiwas siya kapag may nanghihingi ng kanyang telephone number.

Aniya, nagtatrabaho siya at hindi niya kailangan ang suporta ng ibang tao para mabili niya ang gusto niya.

Sa “D’Originals,” legal wife siya ni Mark Herras. In real life, wish ni LJ na maging legal wife siya ni Paolo Contis.

Kaya lang, hindi pa sila pwedeng magpakasal. Hindi pa yata annulled ang kasal ng aktor sa first wife na si Lian Paz.

Kabit naman ang role ni Katrina sa “D’Originals.” Palaban siya kay Jaclyn Jose na original wife ni Jestoni Alarcon.

Sa presscon, naitanong kay Katrina kung nagging kabit na ba siya in real life? Or kung pumatol ba siya sa isang lalaking may ibang partner na? “Wala po. Wala po talaga,” buong ningning na sagot ni Katrina.

Nagtaasan tuloy ang kilay at nagbulungan ang magkakatabing press. Need we tell you why?

Faithful husband

Sabi ni Jaclyn Jose, sa panahon ngayon, iilan na lang ang lalaking katulad ni Jestoni Alarcon. Twenty five years nang married si Jestoni sa non-showbiz wife niyang si Lizette Capili.

Kamakailan lamang ay nagkaroon sila ng renewal of vows. Sa presscon ng “D’Originals,” sinabi ni Jestoni na ayaw niyang magulo ang kanyang pamilya, kaya never niyang naisip na humanap ng ibang babae sa buhay niya. Kuntento siya sa piling ng kanyang wife at mga anak.

Payo naman ni Jaclyn sa mga kababaihan, “Life is short. While still young, play. Go ahead. Huwag magmadali. Enjoy youth. Pag nahanap mo na ‘yung para sa ‘yo, huwag mo nang pakawalan.”

Mapapanood na ngayong Lunes ang “D’Originals” sa GMA Afternoon Prime. Tampok pa rin sina Kim Domingo, Mark Herras, Archie Alemania, Meg Imperial, Lovely Abella, atbpa. Sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Celebrity players

Tampok ngayong Linggo bilang celebrity players sa “People Vs. The Stars” sina Teri Onor, Yasmien Kurdi at Jackie Rice. Masagot kaya nila ang tricky questions ng hosts na sina Drew Arellano at Iya Villania? Tutok lang at 5 pm sa GMA7.

comments