Home » Entertainment » Glaiza ardent supporter of opm

Glaiza ardent supporter of opm

16Glaiza De Castro copy copy

Pagkatapos na mapanood ang concert ng sikat na British band na Coldplay sa Singapore, feel na feel na ulit ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na maging busy sa pagiging singer ulit.

Sa katunayan ay malapit nang i-release ang kanyang bagong studio album na siya mismo ang nag-produce.

Noong 2015 pa na-release ang highly-successful na Synthesis album ni Glaiza na nakakamit ng Gold Record Award.

Sa bago niyang album ay nilabas ni Glaiza ang kanyang pagiging inspired na artist dahil pinaghalong original at revival ang mga songs niya rito.

Lahat ng mga songs sa kanyang new album ay mga OPM or Original Pilipino Music.

“Ngayon, tapos na ‘yung bago kong album, may mga revivals at bagong songs akong isinama. Pinili ko ang mga iyon dahil mga paborito ko.

“Excited ako kasi lahat nasa wikang Tagalog.

“’Yung konsepto ng album, paying tribute to the older generation na talagang malaki ‘yung inspirasyon sa Original Pinoy Music.

“Isa ako sa lover ng Original Pinoy Music at kailangang suportahan natin ito dahil sarili nating musika ito na dapat ipagmalaki natin kahit saan,” masayang balita pa niya.

Na-release na ang music video ni Glaiza ng kanyang single na may titulo na “Sa ‘Yo Pa Rin”..

Maaari na ring i-download ang kanyang single na “Sinta” via iTunes at Spotify.

Magkakaroon ng big launch at album tour si Glaiza very soon. Busy pa kasi siya sa halos araw-araw na taping ng top-rating GMA-7 telefantasya na Encantadia kunsaan gumaganap siya bilang si Sang’gre Pirena.

“Once na magkaroon na ng time, ipo-promote ko ang new album ko.

“For now, sa social media muna namin ito nilalabas at maganda ang feedback sa mga singles na nilabas na namin.

“Masyado kasing matitindi ang mga sunud-sunod na episodes ng Encantandia kaya naka-concentrate kami lahat doon.

“Hopefully, magkaroon na tayo ng time para sa promotion ng bagong album natin,” pagtapos pa ni Glaiza de Castro.
(Ruel J. Mendoza)

comments