Home » Entertainment » Mikael at Megan: Relationship goals

Mikael at Megan: Relationship goals

14aldub-copy

May clamor ang AlDub fans na magkaroon ng part 2 ang “Kalyeserye Sa US” concert nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nabitin daw kasi sila sa performances ng mga ito.

Thankful sa AlDUb at sa organizer ng show ang fans na nanood dahil na-feel daw nila they were closer to home. Hindi nila inalintana ang pagod at paghihintay dahil worth it ang performances ng AlDub, pati ng tres lolas na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Under negotiation naman ang pag-ho-host nina Alden at Maine sa Asian TV Awards. Last year ay naimbitahan si Alden mag-host nito, kaya may mga humihiling na silang dalawa naman ni Maine ang maging hosts sa susunod na Asian TV Awards. Big opportunity for AlDub kapag natuloy dahil isang international project ito.

Sulit

Sinulit talaga nina Mikael Daez at Megan Young ang Holy Week vacation nila sa Maldives. Panay ang posts nila ng kanilang photos sa social media. Marami ang inggit-inggitan sa sweet lovers.

Anila, #relationshipgoals talaga sila sa pagiging adventurous nila. No wonder, marami ang kinikilig sa screen partner ni Janine Gutierrez sa “Legally Blind.” Ipinapakita raw ni Mikael ang pagiging sweet boyfriend kay Megan.

Hindi raw kaya naiinggit si Janine kay Megan? Andiyan naman si Rayver Cruz na mukhang nag-e-effort na maging close kay Janine. Mukhang wala naman siyang magiging problema kay Lotlot de Leon na mommy ng Kapuso star. Nagpahayag ito na kung saan masaya ang anak niya, go!

Hindi mararanasan ni Rayver ang naranasan niya noon sa parents ni Sarah Geronimo na tutol sa kanilang relasyon.

Matatandaang diumano’y kinompronta at pinetserahan ng daddy ni Sarah sa kuwelyo si Rayver.

Never nanghimasok ang parents ni Janine sa kanyang lovelife.

Beach babe

Kay Janine pa rin, ipinasilip niya sa “Tunay na Buhay” ang kanyang condominium unit. Matindi ang beach vibes nito.

White walls, pastel colors, iba’t ibang patterns at visuals ng beach ang nakapalibot.

Beach babe kasi si Janine na aniya, happy place ang beach. Very relaxing at nakakawala ng stress at pagod. Last Holy Week, sa beach resort sa Lobo, Batangas ng kanyang lolo Christopher de Leon nagbakasyon si Janine with her mom and siblings.

comments