Home » News » News Roundup » Japanese nag-suicide sa hotel room

Japanese nag-suicide sa hotel room

Isang Japanese tourist ang nagpakamatay umano sa loob ng inupahan niyang hotel room sa Pasay City noong Martes. Kinilala ng police ang biktima na si Takeshi Nakade, 46, ng Namayashi, Japan.

Nakilala siya sa pamamagitan ng kaniyang passport na natagpuan sa kaniyang kuwarto. Ayon sa kay SPO4 Allan Valdez, may hawak ng kaso, natagpuang wala nang buhay ang biktima dakong 1 p.m. sa loob ng Room 320 ng Hotel Sogo na matatagpuan sa EDSA corner Harrison Street, Pasay City.

Nakapalupot sa leeg niya ang isang extension cord na itinali sa pintuan ng hotel room. Sinabi ni Valdez na nag-check in sa hotel si Takeshi noong April 17 bandang 1:14 p.m.

Ayon sa hotel staff, huling nakitang buhay ang biktima nang mag-order siya ng pagkain sa kaniyang room dakong 11:53 p.m. noong araw ring iyon.

Na-recover ng police sa biktima ang isang piraso ng papel na nakasulat sa Japanese language. Nakalagay doon ang pangalan ng kaniyang kamag-anak na tatawagan at ang kaniyang mga personal na gamit. (Jean Fernando)

comments