Home » Entertainment » Bianca King happy for second wind in her career

Bianca King happy for second wind in her career

Pakiramdam daw ng bagong Kapamilya na si Bianca King ay nagsisimula ulit siya sa kanyang showbiz career ngayong nasa ABS-CBN na siya. Pero excited siya dahil kasama siya sa main cast ng bagong afternoon teleseryeng “Pusong Ligaw.”

“Parang second wind siya for me. Kasi nga I thought my time in showbiz is over. But I’m very thankful na hinanap ako ng Star Creatives para sa project na ito,” sabi ni Bianca.

Inakala nga ni Bianca na katapusan na ng kanyang career nang matagal siyang hindi nagkaroon ng offers matapos mawala ang kanyang shows sa TV5. Nagsimula si Bianca sa GMA-7 pero after several years lumipat siya sa TV5. Ano ang pinagkaabalahan niya noong pagdaanan niya ang phase na ito sa kanyang career? “Akala ko talaga wala na akong career sa totoo lang.

Dumating na ako sa point na, ‘Okay, I have to find something else to do with my life.’ Nung nasa TV5 ako ng dalawang taon, mahal na mahal ko ’yung mga show ko doon, and ’yung show ko doon casualty siya nung nangyari sa TV5. So, bigla akong nawalan ng show. Kinuha ko ’yung time na iyon para mag-travel. Hindi ko kasi siya nagagawa dati kasi nag-aaral ako at ang dami kong ibang priorities before na hindi ko na-enjoy ’yung youth ko.

So, sa isang year na iyon nag-travel ako out-of-the-country halos every month. ’Yung interesting story diyan, kasi meron akong blog before pa. ’Yung blog ko before para sa recipes ko lang siya, and then naisip ko gawin ko kaya siyang travel blog. So, a lot of the destinations I went to in that one year were all sponsored trips. Pati ’yung pagpunta ko ng Europe, Bali, Korea, they were all because of my blog. Nagsulat ako for my blog and for publications, as well. And naghu-host pa rin ako ng mga live events.”

Hanggang sa dumating nga ang offer ng ABS-CBN para sa “Pusong Ligaw.” “Honestly, it’s always been my dream to do a show here. Parang ’yung feeling ko dati kung makagawa ka ng show sa ABS, it’s such a huge milestone for an actor because the way that they do shows here is something else talaga. Moving to ABS, to be completely honest, I was terrified. Takot na takot ako sa idea na finally tatapak ako dito, parang surreal nga siya. But mabilis na nawala agad ang takot ko, thanks to their guidance of course, to all of my co-stars, to all the staff, who did not just make me feel welcome but also they made me feel like their friend and their family.”

Mapapanood ang “Pusong Ligaw” mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa ABS-CBN simula sa April 24. (GLEN P. SIBONGA)

comments