Home » News » News Roundup » Teenager, binaril sa mukha

Teenager, binaril sa mukha

Patay ang isang binatilyo nang barilin ng isang hindi kilalang lalaki sa Quezon City noong Linggo ng gabi. Dead on the spot si John Jay Valera, 17, ng 5th Street, Veterans Village, Barangay Pasong Tamo, nang barilin nang malapitan sa mukha dakong 10 p.m.

Base sa investigation, naglalakad si Valera malapit sa tricycle terminal sa Luzon Avenue sa naturang barangay nang siya’y atakihin ng suspect na nakasuot ng cap, t-shirt, at denim pants.

Mabilis na tumalilis ang gunman matapos ang pamamaril. Ayon sa police, napag-alaman na sangkot si Valera sa maraming robbery incident.

Nakulong siya sa Molave Youth Home for juvenile offenders ng Quezon City at kalalaya lamang niya noong November 25 ng nakaraang taon.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman sa kaniyang kaso ang pagpatay. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments