Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Former vice mayor tinodas

Former vice mayor tinodas

CAMP DIEGO SILANG, San Fernando City, La Union – Patay ang isang dating vice mayor at kanyang kasamang babae matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Aspiras Highway in Barangay Tavora East, Pugo, La Union Wednesday night.

Kinilala ni Chief Insp. Silverio Ordinado Jr., La Union police information officer, ang mga biktima na sina Vincent Rafanan, 42, dating vice mayor ng Sto. Tomas, La Union, at residente ng Barangay Casilagan ng naturang bayan, at kanyang kasamang si Beatriz Malicdem Sakamoto na taga-Pangasinan.

Ayon sa initial investigation, binabagtas ng mga biktima ang Barangay Tavora East sakay ng isang blue Mazda ng dumating ang mga suspect na sakay ng mga motorsiklo.

Bumunot ng baril ang mga suspect at pinagbabaril ang mga biktima na dinala sa La Union Medical Center sa Agoo, La Union na kung saan sila binawian ng buhay. (Erwin G. Beleo)

comments