Home » Entertainment » Maja, in love again?

Maja, in love again?

Maja-Salvador copy copy

Kung may Bea Alonzo si Gerald Anderson na nagpapasaya ng puso niya ngayon, balitang ang ex-girlfriend niyang si Maja Salvador ay may non-showbiz guy na nagpapakilig ng puso ng Kapamilya actress.

Mukhang nadala na si Maja makipag-relasyon sa showbiz guys. Naging boyfriend din niya si Matteo Guidicelli na boyfriend ngayon ni Sarah Geronimo.

Mukhang so much in love si Matteo kay Sarah na sa isang interbyu ay sinabi niyang mabait at masarap itong magmahal.

Maalaga rin daw ang kanyang girlfriend.

Super love rin ni Sarah ang kanyang boyfriend. Talagang ipinaglaban niya si Matteo sa kanyang parents. Hindi siya maawat ng mga ito sa pakikipagrelasyon kay Matteo at mukhang sa kasalan na ang tuloy sooner or later.

Cool lang

Kung happy heart si Lotlot de Leon dahil sa kanyang Lebanese businessman boyfriend na si Fred El Soury, cool lang si Janine Gutierrez. She’s happy for her mom na four years na ang relasyon nito kay El Soury.

Ani Janine, steady lang muna ang puso niya ngayon. Focused muna siya sa work at happy siya sa magandang feedback sa “Legally Blind.” Hindi nila kailangang mag-pretend ni Mikael Daez na may “something” sila dahil tanggap ng viewers ang team-up nila.

Single but not lonely si Janine na aniya, hindi siya naghahanap ng panibagong karelasyon after ng break-up nila ni Elmo Magalona. Darating daw ‘yun kung meant to be. Marami ang nagpu-push na mag-level up ang namumuong friendship nila ni Rayver Cruz.

Napapangiti na lang si Janine sa positive reaction ng mga taong malalapit sa kanya. Walang violent reaction, maski ang kanyang mommy Lotlot ay boto kay Rayver sakaling magkaroon sila ng “something.”

‘Yung EP (executive producer) nga ng ‘Legally Blind’ ay nagsabing welcome anytime si Rayver dumalaw sa taping.

Nasa Dagupan City ngayon si Janine para sa Kapuso Fiesta Bangus Festival. Kasama niya ang co-stars niya sa “Legally Blind” na sina Mikael Daez at Marc Abaya kaugnay ng Kapuso Float Parade at 3 pm.

Kasunod nito ang mall show nila sa CSI The City Mall at 5 pm.

comments