Home » News » News Roundup » Lalaking nagti-text, nahulog sa creek

Lalaking nagti-text, nahulog sa creek

Patay ang isang lalaki matapos mahulog sa isang creek habang nagti-text sa Malabon City noong Linggo ng gabi, ayon sa police report.

Kinilala ng police ang biktima na si Alfredo Lazo, 30, residente ng Barangay Longos, Malabon.

Base sa police investigation, naglalakad pauwi si Lazo nang aksidenteng mahulog sa isang creek sa kanilang baragnay dakong 8 p.m..

Sinabi ng witnesses sa police na bago naganap ang insidente, nakita nilang busy si Lazo sa pagti-text habang naglalakad galing sa isang inuman.

Agad na ipinaalam ng concerned citizens sa awtoridad ang nangyari kay Lazo.

Rumesponde ang isang rescue team sa lugar, ngunit tatlong oras ang inabot bago nakuha ang bangkay ng biktima mula sa 10-foot muddy creek. (Jel Santos)

comments