Home » News » News Roundup » 2 patay sa QC shooting

2 patay sa QC shooting

Patay ang dalawang katao kabilang ang isang teenager nang pagbabarilin ng isang gunman habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng police ang mga napatay na sina Joharies Cordeta, 23, at Ara Ramos, 17. Samantala, sugatan naman sina Iron Centeno, 20; Ella Mae Buenaventura, 18, at kanilang 15-year-old friend.

Ayon sa pulis, naganap ang insidente habang nakikipag-inuman sa kanilang kaibigan ang mga biktima sa San Simon Street, Barangay Holy Spirit, na noo’y nasi-celebrate ng fiesta.

Ayon sa pinakabatang biktima ng pamamaril, dakong 8:50 p.m. nang mapansin niyang dumating ang isang lalaking may hawak na dalawang baril at pinaputukan si Cordeta at ang kaniyang mga kaibigan. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments