Home » Entertainment » Charice, quitting showbiz?

Charice, quitting showbiz?

charice-copy-copy

Sandali namin nakatsikahan si Angeli Valenciano sa Thanksgiving Party ng hubby niyang si Gary Valenciano sa entertainment press. Kinumusta namin ang anak nilang si Gab na ani Angeli, okey na matapos itong makipaghiwalay sa asawang si Tricia Centenera.

Aware si Angeli sa negative comments about Gab na aniya, sana’y kilalanin muna ng mabuti ang anak niya bago husgahan ito. Nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Gab at Tricia, nanahimik lang ang kanilang pamilya. Hindi siya (Angeli) nagpa-interbyu.

Alam niya kung bakit naghiwalay ang mga ito, pero nag-beg-off si Angeli na pag-usapan. “Ayokong magsinungaling. Maybe some other time, mapag-uusapan natin ito. Maaawa kayo kay Gab kapag nalaman n’yo ang totoo,” she said.

Ayon pa kay Angeli, gustong bumalik ni Gab sa US at mag-try uli ng panibagong kapalaran.

By the way, 30 years na ang Manila Genesis Entertainment and Management Inc., management company nina Gary at Angeli Valenciano. Thirty-four years naman si Gary sa showbiz at sa Thanksgiving Party niya for the entertainment press, bukod sa giveaways, nagpa-raffle pa ng in kind at cash prizes.

Advocacy

Common knowledge na diabetic si Gary Valenciano. Thirty-nine years na siyang may Type 1 diabetes, kaya naging advocacy niya ang tumulong sa mga taong may ganitong sakit.
Ang gaganapin niyang concert “Gary V. Presents…” in line sa kanyang 34th anniversary in showbiz ay para sa benefit ng diabetes at scholarship programs ng Shining Light Foundation. Sa May 12, 13, 19 & 20 sa The Theater at Solaire ang concert at 8 pm.

After ng “Gary V. Presents…” maghahanda na si Gary para sa kanyang unang North America concert tour ngayong 2017.

Magpeperform siya sa M Resort, Las Vegas on May 27 with Katrina Velarde as special guest. Sa June 3, nasa Pechanga Resort and Casino si Gary with Kiana Valenciano and Katrina Velarde. Sa Pasadena Civic Auditorium on June 10 with Katrina, Kiana and Sam Concepcion. On June 12, nasa Salt Lake City, Utah si Gary para sa celebration ng Philippine Independence Day.

Magku-quit na?

Sad ang fans ni Charice Pempengco kung totoong magku-quit na siya sa showbiz. Nag-post siya sa social media na pagod na raw siya. Kuntento na siya kung anuman ang na-achieve niya bilang singer.

May matinding pinagdaraanan ngayon si Charice. Balitang break na sila ng live-in partner niyang si Alyssa Quijano.

Diumano, nilayasan siya ni Alyssa, tangay ang lahat ng gamit nito, pati ibang kagamitang naipundar ni Charice.

comments