Home » Headlines » Inmate patay sa sobrang init

Inmate patay sa sobrang init

Namatay ang isang 31-year-old inmate dahil sa sobrang init sa loob ng detention cell ng police station sa Malate, Manila, kahapon ng umaga.

Nawalan ng malay si John David Gagalangin sa harap ng iba pang inmates matapos magreklamong nahihirapan siyang huminga dahil sa sobrang init sa loob ng kanilang selda.

Agad na tinawag ng detainees ang pansin ni PO1 Mark Edwin Orongan na siyang nagsugod kay Gagalangin sa Ospital ng Maynila bandang 2:30 a.m., ngunit namatay siya doon pagkalipas ng limang oras.

Ayon kay SPO1 Bernard Cayabyab, investigator ng Manila Police District homicide section, may mga pigsa sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Gagalangin.

Dinala ang labi ng inmate sa Archangel Funeral Homes para ma-autopsy.

Napag-alaman na sinampahan si Gagalangin ng kasong estafa at physical Injury sa korte noong April 24, 2017.

Kasalukuyan pang sinsiyasat ng police ang insidente. (Analou De Vera)

comments