Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Reflexology seminar sa Batangas

Reflexology seminar sa Batangas

BATANGAS (PIA) – May 70 katao ang nakinabang sa isinagawang reflexology seminar kamakailan na pinangasiwaan ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa lungsod na ito.

Nagsilbing massage trainor si Alvin Oriondo mula sa Roxas Foundation Inc. sa bayan ng Nasugbu kung saan itinuro niya ang therapeutic massage at reflexology na nakatutulong upang maisaayos ang magandang daloy ng dugo sa katawan at mapabuti ang health condition ng isang tao.

Ang reflexology ay ang paggamit ng iba’t-ibang pressure points ng kamay at paa na konektado sa mga bahagi ng katawan upang gumanda ang kundisyon ng apektadong bahagi ng katawan.

Ayon kay Oriondo, ito ay isang mabisang uri ng pagkikitaan lalo na sa mga nasa bahay lamang sapagkat maaaring gumamit ng social media upang makakuha ng customer.

comments