Home » Headlines » Police nab ‘Martilyo Gang’ leader

Police nab ‘Martilyo Gang’ leader

Bumagsak sa kamay ng Las Piñas City police kamakailan ang hinihanalang leader ng “Martilyo Gang” na sangkot umano sa pagatake sa mga jewelry stores sa loob ng mga kilalang malls simula noong 2011.

Kinilala ni Las Piñas police chief Senior Supt. Marion Balolong ang suspect na si Sulayman Dimapuro, resident ng Esperanza Subdivision, Molino, Bacoor City, Cavite.

Nagsumbong ang mga residente ng Barangay CAA sa mga police dahil gumagala ang suspect sa lugar sakay ng motorsiklo na may dalang baril at hinahanap ang taong hindi umano nagremit ng pinagbentahan ng droga.

Pumunta ang intelligence group sa lugar at inaresto ang suspect. Nasamsam kay Dimapuro ang hinihinalang shabu at baril.

Dinala ang suspect sa Las Piñas police headquarters at dito napagalamang siia ang itunuturong utak ng pagsalaky sa mgha tindahan ng alahas sa Recto Ave. sa Manila (2011), SM Megamall and North (2013), at Farmers Plaza and SM Mall of Asia (2014).

Sunod na nahuli ang asawa ng suspect sa isang follow up operation habang hinahanap niya ang kanyang mister sa Barangay CAA.

Napagalaman ding may warrants of arrest ang mga suspect sa Bacoor Regional Trial Court dahil sa illegal drugs.

Pinuno din umano si Dimapuro ng Utap Robbery Group na ang target din ay mga jewelry stores. (Jean Fernando)

comments