Home » Entertainment » Edu excited to work with Eugene

Edu excited to work with Eugene

Edu Manzano

Hindi nagdalawang-isip ang actor and TV host na si Edu Manzano noong i-offer sa kanya ang maging isa sa mga bluffers ni Eugene Domingo sa muling pagbabalik ng game show na Celebrity Bluff sa GMA-7.

Napapanood daw minsan ni Doods ang Celebrity Bluff at natutuwa siya sa format ng show na very informative, pero entertaining at the same time.

Isa sa dahilan kung bakit um-oo si Doods dahil sa ibang-iba ang format ng Celebrity Bluff kumpara sa mga nakasanayan na nating mga game shows sa TV.

“I’m wondering kung ano ang dapat kong aabangan, hindi kung ano ang inyong aabangan because for me this is also something new.

“You’ll have to try all the genres eh. Otherwise, you become stale.

“So if something comes along that’s new to you, something na hindi mo pa nagagawa in the past, try it.

“Celebrity Bluff is different eh. You know, I think puwede kong sabihin na halos lahat ng klaseng genre nagawa ko na sa Pilipinas eh, ‘yung Celebrity Bluff, hindi pa,” diin pa ni Doods.

Malaki rin ang paghanga ni Edu sa host ng Celebrity Bluff na si Eugene.

“Nakikilala siya sa comedy, pero isa siya sa pinakaseryosong aktres sa ating industriya.

“Comedy is a tough business. People shouldn’t take it very handily.

“Sinasabi nga nung marami sa ating mga pinakatanyag, pinakasikat na humorists or comedians, it’s hard to make people laugh than to make them cry. So, I’m looking forward to working with Ms. Eugene Domingo.

“This is our first chance to work together, kakaiba naman ‘yung tema ng kanyang program.

“And I’ve always wondered about her because not only is she a good comedienne, she’s also a very good actress, and that goes for cinema and theater,” pagtapos pa ni Edu Manzano. (RUEL J. MENDOZA)

comments