Home » Entertainment » Matteo, gusto nang mag-asawa

Matteo, gusto nang mag-asawa

matteo-guidicelli-copy-copy

PLANNER si Matteo Guidicelli na aniya, nakaplano lahat ng gusto niyang gawin sa buhay. Like when he was 18 or 20 years old, plinano niyang mag-aasawa siya kapag 27 na siya.

He’s 27 now, kaya naman kinulit siya ng entertainment writers sa presscon ng Sun Life Asset Management Company, Inc.
(SLAMCI) kung may balak na ba silang magpakasal ni Sarah Geronimo. Three years nang celebrity endorser si Matteo nito na ang campaign ngayon ay “Make It Mutual.”

Sa ipinakitang vlog (video blog) ni Matteo, kasama sa kanyang goals in life ang relationship goals at may engagement ring na ipinakita. “Sana nga, akin ang singsing na ‘yun,” ani Matteo.

Hindi niya sinagot ang tanong kung may plano na ba siyang mag-propose ng kasal kay Sarah. Aniya, something private ‘yun na gusto niyang sarilinin muna. Kung mangyayari ‘yun (marriage proposal), malalaman din naman ng press at ng publiko.

Basta secret muna ang personal plans niya. Masuwerte si Sarah kung siya na nga ang babaeng pakakasalan ni Matteo.

Nakakatiyak na siya ng magandang future with him.

Masinop si Matteo sa perang pinagtatrabahuhan niya. Meron siyang financial adviser mula sa Sun Life. Aggressive investor si Matteo at sobrang metikuloso sa kanyang investments. Tinatanong niyang mabuti kung saan napupunta ang equity fund na iniinvest niya.

Aniya pa, ten percent ng kinikita niya’y isine-save niya. Naglilista siya ng expenses at investments niya. Feeling blessed siya na may mga endorsement siya, isa na ang Sun Life na ani Matteo, marami siyang natututunan sa investments. Ini-encourage niya ang millennial like him na mag-invest sa mutual fund. Initial amount ay P5,000.

“I’m thankful for the opportunity to lead another financial literacy campaign for SLAMCI. It’s definitely relevant and timely,” said Matteo. “I myself have life goals I’d like to pursue. I’m happy to share that ever since I made it mutual with SLAMCI, I’ve been well on my way to achieve all those goals.”

LDR

Parehas may long distance relationship (LDR) sina Eugene Domingo at Valerie Concepcion. Based in Italy ang Italian boyfriend ni Eugene at nasa Guam naman ang BF ni Valerie.

Sila pa ang dumadalaw sa kanilang respective boyfriends. First serious relationship ni Eugene, pang-apat naman ni Valerie ang current love niya. May teen-age daughter si Valerie sa kanyang first boyfriend.

comments